masaya ako naayos ko na sa wakas ang multiply ko. wahehe. tagal ko ng hindi nakapag edit ha at oh no ang bano ko na maghtml etc...nakalimutan ko na kung panu gawin kaya ang tagal kong nakatunganga sa harap ng pc. oh well natapos din, di p nga lang masyadong plantsado, kulang p ng tweaks wahehe iisipin ko na muna, tas ung friendster ko naman aynaku mahirap mag adik ha...hulaan niyo, di p ko naliligo wahahaha ayus parang 10 am pa ata ako nagstart kumusta halos 4 pm na nyak!
habang nagchichikahan kame ni jaja last night dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan (kinukuwento ko ung mga buraot) naputol ang usap dahil manonood daw siya ng the pursuit of happiness. ayun nakinuod na rin ako. kuwento ni Chris Gardner....hay, nakakalungkot pero talagang na-inspire ako sa movie na to....NAKAKABILIB. ang igsi lng nung movie pero talagang heart warming. pero isa siguro sa na-reflect ko eh ung FOCUS. sobrang focused niya kasi sa goal niya, kung ano ang gusto niya un lang talaga. wala lang, naisip ko lang dapat ganon din ako hehehe. nakakaiyak ung scene na sa banyo sila natulog mag-ama.....hay, nakakalungkot isipin na may mga taong nakakaexperience ng ganon....pero lahat ng hirap nila, talagang nag pay off din naman =) sipag talaga at diskarte...wahehehe apektado daw talaga ako sa movie, di ko kasi napanood yan dati eh hehe =) TRUE STORY siya galing!
Comments