langya lakas na naman ng topak ko. its my sister's grad today and yeah enuf tickets for me to join them. haha at dahil sa mababaw na dahilan na wala akong maisip isuot ay hindi ako sumama. crap diba ako ba ay slash tinatamad o talagang bilog lang ang buwan. hay sumasakit din kasi ang ulo ko. nga lang di naman ako makatulog. buti n nga rin to para maaga akong makatulog mamayang gabi... ayan nalulungkot tuloy ako dito sa bahay....tampururot eching!
habang nagchichikahan kame ni jaja last night dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan (kinukuwento ko ung mga buraot) naputol ang usap dahil manonood daw siya ng the pursuit of happiness. ayun nakinuod na rin ako. kuwento ni Chris Gardner....hay, nakakalungkot pero talagang na-inspire ako sa movie na to....NAKAKABILIB. ang igsi lng nung movie pero talagang heart warming. pero isa siguro sa na-reflect ko eh ung FOCUS. sobrang focused niya kasi sa goal niya, kung ano ang gusto niya un lang talaga. wala lang, naisip ko lang dapat ganon din ako hehehe. nakakaiyak ung scene na sa banyo sila natulog mag-ama.....hay, nakakalungkot isipin na may mga taong nakakaexperience ng ganon....pero lahat ng hirap nila, talagang nag pay off din naman =) sipag talaga at diskarte...wahehehe apektado daw talaga ako sa movie, di ko kasi napanood yan dati eh hehe =) TRUE STORY siya galing!
Comments