bakit malapit na ang may??!! gosh the first month of our vacation passed too swiftly wahhhh! ung first two weeks ng bakasyon was like *i am paralyzed* palagi ko sinasabi "shit boring hindi ako sanay sa ganito, di ako sanay na di toxic di ako sanay na di pagod at di ako sanay na hindi nagiisip ng maraming bagay bagay! hayyyy sakit ni leiza sobrang mainiping tao lalo pag bakasyon.
pero nung nakita ko sa kalendaryo na malapit na ang mayo grrrrr bakt ganon ang nafeel ko bitin! hay talaga oh magulo talaga ako! daming gawa, daming gawa, pero na-realize ko namiss ko magtrabaho. yep buti na lang maraming work sa lab lately at kailangan ng back up haha.
kanina habang sangkatutak ang gawain at busy busyhan ako, naisip ko, hay miss ko rin ang ganito, miss ko maging medtech ah...lalo na nung nahawakan ko ung pipet para gumawa ng blood chem, at gumagawa ng creatinine, nagtitimpla ng picric acid *oo tama ang pagkakaalala niyo ang Jaffe Reaction LOL* hay miss na miss ko sobra, dahil clinical chem ang fav kong post nung intern pa ko....taena, actually nakalimutan ko na mag-manual ng crea ah, dati kinarir ko ang manual method ng fbs, bun, crea, bilirubin, amylase, ultimo glycosylated Hb....haayyyyy tas nung nakikinig ako sa usapan nung ahente ng reagent *oo benta siya ng benta eh tas mali ung na-deliver niya* amf parang tagal nag sink in sakin ng colorimetric at kinetic method, lintek parang di na ko medtech huhuhu poor in practice!
well anyway, at least kahit papano, sa mga ganitong break eh nakakaraket pa ko (sana swelduhan ulet ako ng nanay ko LOL) jowk lang, pero seriously, i love this job, parang ang hirap iwanan....dito ako lumaki eh hehehe, naisip ko pano kung clerk na ko, and so on....siyempre ibang dimensiyon naman un.....hayyyy muni muni lang =)
Comments