hay kumusta naman akala ko nga rin sembreak na eh. LOL. sarap ng buhay. pero next week patay patayan naman sa makeups wahhhhhhhhh. hay pero i really enjoy curling up, mag hibernate sa ilalim ng mga unan at kumot haha. at kumain ng korean noodles habang pinapakinggan ang patak ng ulan. this is life. . . im enjoying this for now dahil minsan lang itech. ang masama lang nito wala akong nagagawa! walang nababasa hahahaha....MASYADONG MALAKAS ANG KAPANGYARIHAN NG BAGYO....parang lullaby haaayyyyyy
habang nagchichikahan kame ni jaja last night dahil sa mga pangyayaring di ko inaasahan (kinukuwento ko ung mga buraot) naputol ang usap dahil manonood daw siya ng the pursuit of happiness. ayun nakinuod na rin ako. kuwento ni Chris Gardner....hay, nakakalungkot pero talagang na-inspire ako sa movie na to....NAKAKABILIB. ang igsi lng nung movie pero talagang heart warming. pero isa siguro sa na-reflect ko eh ung FOCUS. sobrang focused niya kasi sa goal niya, kung ano ang gusto niya un lang talaga. wala lang, naisip ko lang dapat ganon din ako hehehe. nakakaiyak ung scene na sa banyo sila natulog mag-ama.....hay, nakakalungkot isipin na may mga taong nakakaexperience ng ganon....pero lahat ng hirap nila, talagang nag pay off din naman =) sipag talaga at diskarte...wahehehe apektado daw talaga ako sa movie, di ko kasi napanood yan dati eh hehe =) TRUE STORY siya galing!
Comments