Skip to main content

PANLILINLANG (unang nailathala ko sa friendster)

may mga bagay, tao, at pangyayari na sadyang mali at darating sa buhay natin dahil ewan. para ba manggulo? o magturo? kahit alin sa dalawang 'to, dumdadating talaga ang mga ganyang kalokohan at kahit pa gano mo pilitin na wag paapekto, haler masasaktan at masasaktan ka, promise!

o cge, maaring hindi ka nakakarelate...oo ikaw na nagbabasa nito. kahit ako hindi ko nga rin nagegets kung bakit ko ginagawa ang blog na ito. kung ala mang saysay itong sinusulat ko o kung malabo pa sa sanskrit eh pasensiya, dahil isang oras pa lang akong natutulog simula pa kahapon. (kumusta naman, ngaun ay halos hatinggabi na)

ganito yan, una ang pagpapanggap sa kahit anong pamamaraan ay nagdudulot ng sala salabit na pangyayari na nakakagulo sa buhay ng hindi lang isa kundi maraming mga tao, bagay, o hayop. (in english, cascade of events).

kung ikaw ay pinanganak na sadyang sinungaling, o mahilig sa mga produktong plastik gaya ng tupperware, saniware, orocan, o polyethylene bag, o kahit pa plastik cover ng notebook, at ang hobby mo ay balutin ng plastik ang mundo, piliin ang taong babalutin ng iyong produkto.

kung ikaw naman ay mapagpanggap, (poser) at nabubuhay ka sa world of sanrio (ung daigdig nila kerokeroppi at hello kitty) isipin mo na lang ham yan.

kung ikaw naman ay manggagamit (utilizing all the available reservoirs) o kaya naman ay isang vacuum na humihigop ng lakas at resources ng ibang tao para sa sariling kaligayahan, iniisip ko wala ka bang kabusugan?

kung ang dila mo ay kasing tamis ng magic sugar (i.e. ung pekeng asukal na ihinahalo sa mga samalamig at nagdudulot ng sakit sa atay) at wala kang alam kundi magsalita ng mga scripted mong linya para bilugin ang ulo ng ibang tao, at sa huli ay gawin itong kapaki pakinabang...ngunit sa katotohanan ang lahat ng itoy pawang kasinungalingan, at ang pang-uuto ay labis mong ikinaliligaya...isa kang lason. lason sa utak at lason sa puso.

maraming tao ang PEKE na araw araw nakakasalamuha natin. mahirap kilatisin dahil sa kaaya ayang panlabas na ipinapakita. ang mga taong ito ay bihasa sa lahat ng aspeto ng pagsisinungaling, datapwat hindi mo ito nahahalata. samakatuwid, maaring ikaw mismo ay nabiktima na, kasalukuyang binibiktima, o kaya naman ay pinagpplanuhan pa lang biktimahin.

MAG-INGAT.

PAALALA: wala naman, bakit may tinamaan ba?

Comments

Popular posts from this blog

pups

wee im really getting serious in having a puppy...ala lng hehe. im looking for great buys over the net. i've been to tiendesitas a while ago. ala natuwa lng ako ulet. haha lovin the cribs and all the dog accessories. mukhang im gonna spoil a doggie ng sobra sobra haha. basta sana lng talaga mabili ko n siya soon. nahihirapan p ko mag convince dito sa bahay that i can really afford to take care of a puppy. well basta bahala na....hihi

ampalaya

im still guilty of being mad. i dont know. pero cguro nga dahil may sumthing p ko sa mokong na un. nagagalit ako. at the same time naiisip ko p rin ung lahat ng nangyari. marami p ring tanong sa isip ko kung bakit nangyari lahat ng to. at ngaun kahit mahigit isang taon na parang pakiramdam ko kelan lng un. pero ang laki n ng pinagbago ng lahat...lalo na siya. lalo na sila...naiinis akong isipin na ako nagkakaganito pero siya ano balewala lahat. worse, mukhang masaya na siya. nakakagalit na ako hindi p rin totally ok....ano ba diba. hanggang kelan ko mararamdaman to. pero sa kabila nun palagi ko p rin siyang naiisip. isang malaking kahibangan. galit ako. nasasaktan ako.

3.11.12

it's been almost 3 mos of being officially a first yr resident. so far im ok. im missing lot's of friends from med school, but im starting to meet new friends at work. ive been busy, but fair for a jumpstart :) hoping that everything is well until i finish.